Home

Sunday, November 3, 1996

Welga sa PAL: Return-To-Work, Inisnab

Balita sa Hapon
Saturday, November 2, 1996
49 domestic flight, 9 int'l, kanselado
By B. VERGARA AND D. REYES

Tuloy pa rin ang strike ng militanteng empleyado ng Philippine Airlines sa kabila ng return-to-work order na ipinalabas ng PAL management kahapon.

Samantala, tinuligsa ng mga miyembro ng Philippine Airlines Employees' Association (PALEA) ang airport police na umano'y pilit na winawasak ang kanilang barikada kahapon ng hapon.

Sa naganap na press conference sa PALEA headquarters sa Pasay City, sinabi ni PALEA president Alexander Barrientos na "ang PNP (Philippine National Police) ay kumikilos upang buwagin ang aming picket lines."

Sa Manila Domestic Airport kahapon, halatang nakahanda sa anumang karahasan ang mga miyembrong nakabantay sa picket line sa nakaambang grupo ng airport police at ilang nakasibilyan na pulis na nagbabantay sa mga gate ng domestic airport. .

"Umaalis lamang ang mga iyan kapag nandirito kayong mga press. Medyo kinakabahan kami mamayang gabi baka sumulpot at guluhin kami kapag wala na silang makitang mediamen na nagpupunta rito sa picket line namin," anang striker na ayaw magpakilala.

Samantala, humigit kumulang sa 80 behikulong PALEA at sympathizers sa welga ang ginamit sa motorcade kahapon para ipakita sa masa na tagumpay ang kanilang welga, kasabay ng pag-iingay sa paligid ng paliparang Ninoy Aquino hanggang sa PAL inflight center.

Kaugnay nito, tinuligsa ng PALEA Legal Counsel Arno Sanidad na ginagawa ng PAL management ang Iahat ng makakaya upang makuha ang pabor ng isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inakusahan niyang pang-personal na benepisyo ang tanging inaasikaso.

Binanggit ni Sanidad na ang kasalukuyang DOLE order sa mga striker ay illegal at hindi kapanipaniwala dahil hindi pa umano naibibigay ang utos na ito sa kanila.

Sa isang radio interview, nabanggit naman ni acting Labor Secretary Cresenciano Trajano na hindi pinansin ng PALEA ang naturang order sa kabila ng may iniwan silang kopya sa union office kahapon.

Habang ang PAL management ay nagpahayag ng 30 hanggang 40 porsiyento sa 9,000 empleyado ng PALEA na sumali sa welga, ang epekto ng tatlong araw na strike ay patuloy na nararamdaman hanggang gabi.

Sa domestic airport, tanging walo sa 57 nakatakdang PAL flights ang nakalipad habang siyam na international flight sa NAIA ang nakansel.

Magpahanggang kahapon, ang cargo handling sa NAIA ay hindi pa normal dahil sa pagdating ng mga pasahero na patuloy na nakararanas ng tatlo hanggang apat na oras na abala sa pagkuha ng kani-kanilang bahagi.

Hanggang kahapon patuloy ang negosasyon sa pagitan ng Management at mga welgista.

Sa ginawang follow-up ng BALITA SA HAPON, iginiit ni PALEA President Alex Barrientos na hindi naaayon sa batas ang pagpapatupad ng Return-to-Work Order ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Nagpahayag si Barrientos na tiniyak sa kanya ng abugado ng PALEA na wala silang nilalabag na batas sa pagdaraos ng welga.

Sa kabilang dako, wala umanong magagawa ang PAL Management kundi ipaubaya sa Department of Labor and Employment ang kaukulang hakhang laban sa nagwewelgang miyembro ng PALEA.

Sinabi ng tagapagsalita ng PAL na si Manolo Aquino na lumilitaw sa pahayag ng PALEA na wala itong kinikilalang batas at iba pang alituntunin.

Sa kabila naman ng pusisyon ng PALEA, ipinahayag ni Acting Labor Secretary Cresenciano Trajano na hindi sila kikilos laban sa mga nagwe-welgang manggagawa ng PAL hanggang hindi nagwawakas ang 24 na oras na palugit na nakasaad sa ipinalabas na Return-to-Work Order.

Bukod sa pagbalewala sa return-to-work order, inakusahan din ng mga manggagawang bumubuo ng PALEA ang Department of Labor at ang PAL Management ng pagsasabwatan.

Hiniling ng mga nagwewelga ang pagreresign ni Acting Labor Secretary Cresenciano Trajano at iba pang matataas na opisyal sa DOLE.

Ayon sa PALEA hindi pa tapos ang kanilang pakikipag-usap sa DOLE kung kaya't nagulat na lamang sila nang ipalabas ang RETURN TO WORK ORDER.

Sinabi rin ng PALEA na hindi balido ang order dahil walang kapangyarihan ang Acting Secretary na mag-issue nito

No comments:

Post a Comment