Kasalukuyang may nagaganap na cabin crew recruitment fair ang Philippine Airlines (PAL) sa Cebu City mula October 5 hanggang October 7 at sa susunod na linggo October 12 to 14 para sa mga aplikanteng mula sa Visayas.
Ang mga interesadong aplikante mula sa Eastern, Central at Western Visayas ay maaring magpatala sa Radisson Blu Hotel Cebu, Sergio Osmena Boulevard corner Juan Luna Avenue, Cebu City mula alas otso ng umaga hanggang alas diyes sa mga nasabing petsa.
Mangyari lamang tumungo sa Radisson Hotel at magdala ng updated resume na may bagong close-up at full-body shot na litrato.
Para sa mga kababaihan, ang business attire ay corporate blazer, inner blouse at paldang hanggang tuhod and haba. Dapat nakapusod ang buhok, full make up, naka stockings at high-heeled closed shoes.
Ang mga lalaki naman ay dapat naka long-sleeved polo with necktie, itim na pantalon at leather shoes. Ang buhok ay dapat mukang malinis at maayos ang gupit.
Ang mga aplikante ay dapat Filipino citizen, hindi hihigit sa 27 years old,
college graduate at mahusay sa English at Pilipino.
Ang mga babaeng aplikante ay dapat single, may taas na at least 5’3”, samantalang ang mga lalaki naman ay preferably single, at may taas na 5’6” pataas. Kailangan din na makinis ang balat, maayos ang ngipin, malinaw na mata o perfect vision (20/20) o kaya'y may contact lenses na di hihigit sa (20/30).
Naghahanap din ang PAL ng in-flight Chinese interpreters. Bukod sa katulad na criteria sa cabin crew, ang mga aplikante para sa posisyong ito ay dapat sanay o fluent sa Mandarin at Fookien.
No comments:
Post a Comment