Home

Sunday, December 27, 1998

Aircraft na Nawala Noong Pasko, Hinahanap

Kabayan
Linggo, Disyembre 27, 1998
By JERRY S. TAN

SINUSUYOD ngayon ng mga search and rescue team ng pamahalaan ang kabundukan ng Region IV upang hanapin ang isang private plane na pinaniniwalaaang nawala sa himpapawid mula pa noong Pasko.

Nakabase ang Cherokee-6 na may registry no. RP-C2613, isang 7-seater single engine at pag-aari ni Jose Paras, sa Republic Aviation ng General Aviation Area, Pasay City.

Napag-alaman sa sketchy report ni Capt. Joaquin Ortega Jr., assistant secretary ng Air Transportation Office Department of Telecornmunica¬tions and Communications (ATO-DoTC) na umaIis ang eroplano sa Busuanga airport dakong alas-9:20 ng (Disyembre 25) at inaasahang lalapag sa runway ng Manila Domestic Airport ng bandang alas-11 ng umaga.

Sinabi pa ni Ortega na nakapaghatid pa ng mensahe ang pilotong si Capt. Nonoy dela Cruz, sa pamarnagitan ng radio sa Manburao Tower, na lalapag ito ng alas 11 ng umaga sa Maynila at medyo nahihirapan lamang ito bunga ng masamang lagay ng
panahon sa himpapawid.

Humingi ng tulong ang Republic Aviation sa Philippine Airforce (PAF) para sa isasagawang aerial search ope¬ration sa nawawalang light aircraft.

Idinispatsa na sa kasalukuyan ni PAF Chief, Lt. General William Hotchkiss III ang dalawang chopper mula sa 505th Search and Rescue Group para hanapin ang aircraft.

Ginalugad na rin ng eroplanong may registry no. RP-C1172 ng Re¬public Aviation na pinalilipad ni Capt. Peregrino  sa kabundukan sa pagitan ng Wawa at Mamburao, Calapan at ilang bahagi ng Region IV ngunit negatibo ang paghahanap.

No comments:

Post a Comment