Home

Saturday, December 26, 1998

Muntik Mag-Crash ang PAL Noong Pasko

Tonight
Saturday, December 26, 1998
Kwitis
By JESS ANTIPORDA

ANO kaya ang naging pakiramdam ng mga pasahero ng eroplano matapos nilang matuklasan na mauubos na pala ang kanilang gasoline dahil sarado pa ang airport at hindi sila maaaring lumapag sa paliparan.

Ito ngayon ang pinaiimbistigahan ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) General Ma¬nager Antonio Gana matapos niyang malaman na ang NAIA ay ipinasara ng
kanyang mga tauhan madaling araw ng bisperas ng Pasko na naging dahilan upang hindi agad makalapag ang Philippine Airlines flight PR105 na galing Estados Unidos.

Nalaman ni Col. Gana ang insidente matapos mag-report ang crew ng PAL PR105 sa kanya hinggil sa pagkakasara ng airport madaling araw ng Disyembre 24, 1998, na naging dahilan upang malagay sa panganib ang buhay ng may mahigit 400 pasahero nito.

Dumating ang PAL flight PR 105 sa ibabaw ng NAIA  ganap na alas 5 ng madaling araw, subalit hindi agad nakalapag ito dahil sarado pa umano ang airport.

Ang naturang eroplano ng PAL ay kamuntik nang maubusan ng gasolina matapos mabigo itong makalapag alas 5:05 madaling araw, ang takdang oras ng kanyang paglapag sa NAIA.

Sinabi ng mga crew ng PR 105 na walang pasabi sa kanila na sarado ang NAIA airport ng ganap na alas singko ng madaling araw bago sila umalis ng Los Angeles, California.

Nalaman lamang umano nila na sarado ang airport isang oras bago sila makarating sa NAIA.

Nangailangang magpaikut-ikot ng may isang oras at gumugol ng maraming gasoline ang PAL flight PR 105 Huwebes ng madaling araw ng Disyembre 24, bago ito makalapag pasado alas 6 ng umaga.

Katakot-takot na computatuion ang ginawa ng mga piloto ng PR 105 upang malaman kung kakasya pa ang kanilang gasolina, habang kinokontak nila ang mga awtoridad ng airport sa ibaba.

Plano din ng mga piloto na i-divert and flight nila patungong Cebu International Airport, o kaya sa Clark Field, Angeles City. Subalit, nangamba din sila na baka sarado rin ang naturang mga airport doon.

Dumating sa ibabaw ng NAIA ang PR 105 bago nag-alas 5 ng madaling araw at nakalapag ito pasado alas 6 na ng umaga.

Sinasabotahe kaya si Col. Gana ng kanyang mga tauhan sa airport at puro kapalpakan ang ginagawa ng mga ito upang siya (Gana) ay mapulaan?

Alam din kaya ng mga gumawa nito ang panganib na maaring suungan ng may mahigit 400 pasahero ng PR 105?

Palagay ko dapat linisin ni Col. Gana ang airport at palitan ang mga taong ang loyalty ay nasa administrasyon.

No comments:

Post a Comment