Home

Tuesday, December 22, 1998

PAL Services Pinalawak Para sa 1999

Kabayan
Tuesday, December 22, 1998

ANG PAL smiles, ang popular na frequent-flyer program ng Philippine Airlines (PAL), ay naglunsad ng promosyon na nagbibigay ng pagkakataon sa riding public na madoble ang kanilang mga prebilehiyo sa bawat pagsakay nila sa international flights ng PAL.

Para sa mga flight sa pagitan ng Oktobre 29, 1998 at Marso 15, 1999, ang mga PAL smile member ay magkakaroon ng dobleng prebilehiyo sa bawat pagpunta nila sa ibang bansa.

Ang lahat ng myembro into ay magbebenepisyo kahit na anumang class of service sila naka-book.

Ang mga pasaherong naglalakbay sa pamamagitan ng promotional fare economy (kabilang ang advance purchase, estudyante, at senior citizen discount), na nakakukuha nang 50 porsyentong actual miles discount sa ilalim ng nasabing programa ay makakukuha na ng 100 porsyentong diskwento.

Ang mga pasahero sa Mabuhay Class, na pangkaraniwang nakakukuha nang 125 actual mileage, ay magiging doble na ngayon sa 250 porsyento.

Ang mga first class passenger ang makakakuha ng pinakamalaking prebilehiyo—ang 150 porsyento na pangkaraniwang milya na ililipad ay magiging 300 porsyento na.

Halimbawa, ang mga PAL smile member na nakasakay sa First Class patungo ng Manila ay mayroong 11,006 milya para sa 7,337-mile journey, o 150 porsyento ng aktwal na milya na nililipad.

Sa ilalim ng promotion programa na ito, ang bawat pasahero ay magkakamit ng karagdagang 11,006 milya para rnaging 22,012 milya para lamang sa flight na iyon. Ito ay kaunti na lamang nang bahagya sa minimum na 25,000 mileage na kinakailangan para mabigyan ang isang pasahero ng isang libreng ticket.
“This promotion is our way of making up for any inconvenience to passengers caused by PAL's absence, and also of thanking them for their continued support," ayon pa kay Joy Lynn M. Pasiliao, Mabuhay Club/PAL Smiles Program Center Manager.

Ang membership para sa programing ito ay libre sa lahat ng pasahero ng PAL na nais lurnahok sa nasabing programa.

Doon sa mga interesado, kinakailangan lamang na mag-fill-up ng isang application form kasama ang passenger coupon o boarding passes at isumite ang mga ito sa PAL smiles Program Center 6th floor, Allied Bank Center, Ayala Avenue, Makati, o sa alinmang PAL ticket office.

No comments:

Post a Comment