Home

Saturday, December 19, 1998

‘Kaso ng 7 PALEA Lider, Ibasura’

KABAYAN
Biyernes, Disyembere 18, 1998
By Cheryl M. Arcibal

HINILING ni Solicitor General Ricardo Galvez sa Korte Suprema na ibasura ang isang kasong inihain ng Philippine Airlines Employees’ Association (PALEA) na kinukwestyon sa kasunduan sa pagitan ng pamunuan ng flag carrier at sa mga empleyado nito noong Setyembre.

Sa 34-pahinang comment na isinampa nito sa first division ng Supreme Court (SC) ay sinabi nitong nagsabi kaagad ang mga naturang lider ng PALEA na nagkaroon ng maaaring pag-abuso ang Philippine Airlines (PAL) dahil sa kondisyon sa kontrata.

"...the present petition assailing the validity of the PAL-PALEA Agreement is premature. The fear that PALEA will degenerate into a company union is speculative, and a mere contingency at the present time which does not warrant immediate nullification of the agreement," argumento pa ni Galvez.

Matatandaang pitong opisyal ng PALEA ay humiling sa SC na ipawalang-bisa ang isang “compromise agreement" noong Setyembre 27 na nagtatakda ng suspensyon ng collective bargaining agreement (CBA) sa loob ng 10 taon bukod sa iba pang kondisyon.

Ito ay naunang inaprubahan ng mga myembro ng PALEA sa pamamagitan ng dalawang araw na referendum to pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ngunit, sinabi ng pitong lider ng PALEA na sina Gerardo Rivera, Alfred Ramiso, Ambrosio Palad, Dennis Aranas, David Sorima Jr., Jorge Dela Rosa at Isagani Aldead na ang suspension sa 10 taon ng kanilang CBA ay lumalabag sa kanilang karapatan. Gayunpaman, sina Rivera at Aranas ay pumirma rin sa naturang kasunduan.

“The agreement currently represents a reasonable settlement the PAL-PALEA bargaining deadlock arising from Tan's offer.”

Sinabi pa ni Galvez na dapat ibasura ang petisyon dahil sa “lack of merit.”

Dapat din umanong iginalang ng mga naturang lider ng PALEA ang "hierarchy of courts."

Ang kontrobersya sa PAL ay matatandaang nagsimula nang magkaroon ng strike ang Airline Pilots Association of the Philippines (ALPAP) noong Hunyo. Cheryl M. Arcibal

No comments:

Post a Comment