Home

Saturday, September 26, 1998

2 Dayuhang Kompanya, Interesado sa PAL

Kabayan
Saturday, September 26, 1998

Kunumpirma ni Pangulong Estrada na may dalawang dayuhang kompanya ang interesadong sagipin ang Philippine Airlines Inc. (PAL).

Ayon kay Estrada, mayroong dalawang dayuhang airline company na nakahandang pumasok sa PAL upang maiwasan ang tuluyang paghinto ng operasyon nito. Gayunman, tumanggi si Estrada na banggitin ang pangalan ng dalawang kompanya.

"Hindi ko masabi, pero meron nang dalawang kompanyang malalaki ang interesado sa PAL," ani Estrada.

Kaugnay rito, bumuo ng isang Management Committee and Securities and Exchange Commission (SEC) na siyang naatasang mangasiwa sa mga assets ng PAL at magsuri na rin sa mga natitirang posibilidad upang ito ay muling bigyan ng buhay at muling makapaglingkod sa mga mamamayan.

Sa isang ipinalabas na order ng SEC, sinabi nito na bumuo na sila ng isang comittee (ito ay naayon na rin sa petisyon ng PAL) para pag-aralan kung ano pa ang maaaring gawin para maiwasan ang pagka-ubos ng 'assets' ng naturang kompanya.

Sa naging kautusan ni Fe Eloisa Gloria, Chairman ng hearing panel, at sina Josefina Pasay-Paz at Ysobel Yasay-Murillo (mga miyembro ng hearing panel) na bubuo sila ng may anirn na katao para siyang magmando sa nasabing operasyon.

Ang anim na katao ay magmumula sa PAL management, labor sector, secured creditors, unsecured creditors, government financial institutions (GPIs) at SEC. Aalamin sa Isang eleksyon sa mga nasabing opisyal sa kung sino ang kanilang hihiranging Chairman ng Management Committee.

Sa ilalim din ng nasabing kautusan, ang magiging kapangyarihan ng nasabing kumite ay ang sumusunod:

- mangasiwa at mangalaga sa lahat ng 'existing asset' at pag-aari ng PAL;
- mag-evaluate ng mga existing assets at liabilities;
- maghanap at magdetermina ng mga paraan upang protektahan ang interes ng
mga investors at creditors; at
- patuloy na pag-aralan at suriin ang mga feasibility studies na puwedeng
gamitin sa PAL para matuloy ang naputol na operasyon nito.

Ayon sa SEC, ang naturang komite ay hindi mananagot sa anumang mga hakbangin at desisyon na kanilang gagawin kaugnay ng usapin sa PAL.

"The management committee shall not be subject to any action, claim or demand for, in connection with, any act done or omitted to be done by it in good fate in the exercise of its function," sabi ng SEC.

No comments:

Post a Comment