Home

Monday, September 21, 1998

Pagkakapatiran: Panlaban ng Bayan sa Anumang Kalamidad

Abante
Monday, September 21, 1998
Magkapre
By JESUS SISON

Isang malaking problema kung matuloy ang pagsasara ng PAL. Kahit ang pamahalaan ay tumangging pasanin ang malaking pagkakautang ng flag carrier. Subalit lumalabas na nasa Unyon na rin ang kaligtasan ng PAL. Ayon kay Mr. Lucio Tan, may mga Japanese investors na interesadong tumulong, subalit sa kondisyon na wala munang CBA upang matiyak na walang strike at matahimik ang operasyon ng PAL.

****
Mali ang takot ng mga empleyado na kung walang CBA ay wala nang salary increase para sa mga empleyado. Ang nawawawala lang ay ang mandated increase na dulot ng CBA. Sa sitwasyon ngayon, grabe talaga ang apekto sa 9,000 mga karaniwang kawani ng PAL. May nagsasabi na ang dapat sisihin ay ang diktadurya ng mga abogado at opisyales ng unyon ng PAL.

No comments:

Post a Comment