Balita
September 18, 1998
News
Napipinto, ang tuluyang pagsasara ng flag carrier ng bansa, ang Philippine Airlines.
Nagpulong ang lima kataong komite, kabilang ang kanilang chairman na si Business tycoon Lucio Tan kung saan ay kinunsidera ng mga ito ang pagsasara ng pinakamatandang airline sa buong Asia.
Inihayag ng isang opisyal ng Philippine Airlines na malubha na ang kalagayang pinansiyal ng kompanya, halos katumbas na umano ang sariling ari-arian nito sa pagkakautang bukod pa sa pagkalugi ng 40 hanggang 60 milyong piso bawat araw habang ang operasyon nito ay pahinto-hinto.
Lalong nasira ang planong maisalba ang kompanya sa desisyon ng PALEA na tanggihan ang alok ni Lucio Tan sa sharing schemes kapalit ng suspension ng CBA sa loob ng 10 taon.
Magugunita na lumala ang kalagayan ng PAL makaraang magwelga ang mga piloto at empleyado nito. Sa ambush interview kahapon ng mga mamamahayag sa may Allied Bank office sa Makati ay tahasang sinabi ni Tan na “Wala na!” – (DPV)
No comments:
Post a Comment